Daquis, Cignal reresbak sa Foton

Payback ang hanap ni team skipper Rachel Anne Daquis at Cignal kontra prelims 1 tormentor Foton ngayong Huwebes ng alas-4:15 nang hapon sa 7th Philippine Super Liga All-Filipino Conference 2019 prelims 2 sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Kahahakbang lang sa Sta. Lucia sa straight sets at newcomer Marinerang Pilipina via 4-set, kating-kati ang running-fifth HD Spikers (7-4) na singilin ang nasa third spot na Tornadoes (7-4) na mula sa semplang laban sa F2 Logistics.

“I’m excited for our match up against Foton because they beat us in the first round. We prepared well for this game,” deklarasyon ni Cignal coach Edgar Barroga, patumbok sa apat na set na talo sa nasabing team nitong June 22 (9-25, 25-23, 22–25, 16-25).

Bukod kay Daquis, paghuhugutan ni Baroga ng puwersa sina Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat at Alohi Robins Hardy laban sa Foton na patutunayan namang ‘di tsamba ang unang panalo at makabawi rin sa league-leading Cargo Movers sa tatlong set.

Toka namang magsabong sa alas-7 ng gabi ang nasa pang-apat na Generika Ayala (6-5) pumapampitong Sta. Lucia (2-11). (A­ivan U. Episcope)