Mga laro ngayon:
(Bacoor STRIKE Gym)
2 p.m. – Marinerang Pilipina vs Generika-Ayala
4 p.m. – Foton vs Sta. Lucia
6 p.m. – Cignal vs PLDT Home Fibr

Parada agad sa giyera ang anim na koponan sa tatlong digmaan na magtatas ng telon sa 7th Philippine Superliga Invitational Conference 2019 sa Bacoor STRIKE gym sa Cavite.

Tampok sa mga aksyon ang pagpapambuno ng Cignal HD Spikers ni skipper Rachel Anne Daquis laban sa PLDT Home Fibr Power Hitters sa alas-6:00 ng gabi.

Mauuna ang rambol ng Marinerang Pilipina-Generika Ayala sa alas-2:00 ng hapon, at Foton-Sta. Lucia sa alas-4:00 ng hapon sa season-ending ng women’s indoor volleyfest.

Kakagaling lang sa runner-up finish ng HD Spikers sa midseason All-Filipino nang silatin ang mapuwersang Petron sa semis. Bago lang sila bumigay sa finale kontra F2 Logistics.

Aminado si Daquis na presyur silang higitan ang All-Pinoy 2nd place finish.

“Yes, there is pressure. It will always be there,” aniya “But we’re not letting that pressure get into our heads. We’re just focussed on one goal and that is to win the championship.”

Makakasangga ni Daquis si League Ambassador Filipino-American setter Alohi Robins-Hardy, at veterans Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat at Jheck Dionela. (ED)