Pinalo ng Cignal HD Spikers ang pangalawang sunod na panalo matapos paluhurin ang Smart Giga Hitters 25-10, 26-24, 25-18 kahapon sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa STRIKE Gym sa Bacoor City, Cavite.
Pinatunayan ni Rachel Anne Daquis na siya pa rin ang isa sa mga malulupit na spiker sa bansa matapos akbayan ang HD Spikers sa homestretch.
Hinawakan ng HD Spikers ang 11-point lead, 16-5 sa third set matapos ang back-to-back service aces ni former Far Eastern University Queen Tamaraw Daquis pero naibaba ito sa apat ng Giga Hitters.
Hindi naman nataranta ang Cignal, sa tulong ni Janine Navarro ay hindi na nakaporma ang Smart sa event na suportado ng Isuzu, UCPB Gen and SOGO Hotel with ESPN5, Hyper HD and Aksyon TV as broadcast partners.
May 2-0 record ang HD Spikers sa Pool B habang nalasap ng Giga Hitters ang unang talo sa dalawang laro.
Tumikada si Daquis ng 13 points kasama ang seven spikes, apat na blocks at dalawang service aces para sa HD Spikers na dalawang panalo na lang at masisikwat nila ang outright semifinals.
“As I’ve I said before, you’ll see a different Daquis. She rotates and spikes everywhere. She is really confident in everything she does,” saad ni Cignal head coach Edgar Barroga. “And I told her that this (Army) was her former team, they will target you so we practiced her reception.”
Nagtala sina Nene Bautista at Dimdim Pacres ng tig-anim na puntos para sa Giga Hitters.