Daquis, Mika, iba pa magpapagana sa PSL

Lalo pang papasiklab ang Philippine Superliga (PSL) sa taong 2020 sa pagbabalik ng Super Cup.

Batay sa league calendar, magaga­nap ang annual PSL Fans Day sa ­unang linggo ng Pebrero na susundan ng Grand Prix hanggang sa buwan ng Hunyo.

Gaganapin rin sa Hunyo ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup na susundan naman ng first-ever PSL All-Star Weekend.

Tatakbo naman mula Hulyo hanggang Oktubre ang All-Filipino Confe­rence bago ang season-ending Super Cup sa unang linggo ng Disyembre.

Ayon kay PSL President Philippi Ella Juico, asahan na mas titindi at kaabang-abang pa ang torneo dahil sa international exposure nina star player­ Aby Maraño, Rachel Anne Daquis, Mika Reyes, Jovelyn Gonzaga, Jaja Santiago at Dindin Mana­bat.

“Based on our proposed format of the Super Cup, the top three teams will face a guest team in a Grand Prix-style tournament,” wika ni Juico, dating Philippine Sports Commission chairman na namumuno rin sa Philippine Amateur Track and Field Association. (JAT)