DAQUIS PINALITAN NI DY

(Kim Dy twitter account)

Bunga nang biglaang pagku-quit ni Rachel Anne Daquis mula sa national women’s volleyball team, hinugot ni head coach Francis Vicente mula sa reserved list si Kim Dy ng La Salle.

Nagpaalam si Daquis na hindi makakasama sa koponan para sumabak sa nalalapit na 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto, dahil umano sa ‘conflict of schedule’.

“I would like to regretfully inform you that I may not be able to fulfill my duties in the upco­ming league as I just found out recently the competition schedule of the Southeast Asian Games will be in direct conflict with my decision of pursuing specialized training course that will start this August 7, 2017,” lahad ni Daquis sa kanyang sulat sa pamunuan ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI).

Nauna nang naisiwalat ni coach Vicente na na­ging mabigat para sa kanya nang hindi napasama sa final cut si Dy.

Samantala, plano namang dumayo sa Japan para magsanay mula Hulyo 17 hanggang Agosto 2 ng koponan laban sa mga panguna­hing Japanese club teams doon.

Hindi lang ang SEA Games ang pinaghahandaan ng national team, kundi maging ang AVC Asian Women’s Seniors Championship din.

“We have talented players pero kailangan maranasan natin ng top caliber volleyball program,” lahad ni Vicente.