Dar sa mga LGU: Huwag harangin ang food supply

Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na sapat ang supply ng pagkain sa bansa sa harap ng kinakaharap na krisis sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Walang dapat ikabahala. Noo need to panic, huwag natin pabayaan na ma-restrict ang movement ng food supply let me assure the public we have enough food,”pahayag ni Dar sa panayam sa radyo Sabado ng umaga.

Ayon sa kalihim, nagkaroon lamang ng problema sa interpretasyon ng iba’t ibang guidelines kung kaya’t hindi kaagad makarating sa mga market area ang supply ng pagkain.

“Ngayon mayroon nang common guidelines para doon sa kanayunan hindi na mag-restrict, hindi na ma-hamper ang paglabas ng mga food supply sa mga market area kagaya ng Metro Manila,” sabi ni Dar.

Binanggit ni Dar na nagkaroon ng problema sa mga checkpoint na pinatutupad ng mga barangay at munisipyo kung kaya’t nakiusap ang kalihim sa mga local government unit na huwag harangin ang mga cargo truck na nagbibiyahe ng mga pagkain.

“Pailan-ilan na lang ang problema natin dyan sa barangay, sa munisipyo masyado nilang bina-block ang mga cargo with food supplies,”ani Dar.

“Ang continuous food supply wag natin hangarin na makarating sa mga market area kagaya sa Metro Manila,” dagdag pa ng kalihim.