DAR secretary hugas-kamay sa katiwalian

john-castriciones-

Umalma kahapon si Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa bintang na inuupuan nito ang promosyon ng mga rank and file ng ahensya na nakalinya na siyang dahilan kung bakit ipinapanawagan ng mga empleyado na umalis na siya sa puwesto.

Ayon kay Castriciones wala sa kanya ang pagkukulang gaya ng bintang ng Department of Agrarian Reform Employees Association (DAREA) bagkus ay tali din ang kanyang kamay dahil sa polisiya na ipinatutupad ng Civil Service Commission (CSC).

Sa isang panayam sa telepono, ipinaliwanag ni Castriciones na ang Merit Selection and Promotion Plan (MSPP) na inaprubahan ng CSC kung saan nakapaloob ang mga dapat nang mapromote ay nagexpire na noong Pebrero 17, 2018, ang lahat umano ng mga dokumento na nasa kanyang lamesa bago ang expiration ng polisya ay kanyang nalagdaan, maging ang huling mga naisumite isang araw bago ang pag-expire ng MSPP ay kanyang nalagdaan kabilang na ang Caraga Region at Region 3.

Bigo umano siyang lagdaan ang promosyon ng iba pang rank and file dahil ang mga dokumento nito ay dumating lamang sa kanyang tanggapan noong pagkatapos ng Pebrero 17, ang ilan umano ay noong Marso lamang gaya ng Region 1,4A, 4B,5,6,7,9,10,11, 12 at CAR.