NAGLABASAN na sa ilang blogs at column na kinukumpirmang si Angel Locsin na raw ang gaganap na DARNA sa movie na ididirek ni Erik Matti.

Sisimulan ito ng Star Cinema at Reality Films sa 2017.

Tinanong namin si Dondon Monteverde kung totoong si Angel na ba, ayaw pa niyang kumpirmahin.

Hindi pa raw na-finalize. Hintayin na lang daw ang official statement kung si Angel na ba talaga.

Ang pagkakaalam namin, kapag i-announce kung sino na talaga ang gaganap na Darna, kasabay na roon kung sino ang leading man, ang gaganap na Ding at si Valentina.

***

Abala ngayon si Jennylyn Mercado sa pagsisimula ng Superstar Duets na magsisimula na mamayang gabi kaya nanghinayang siya dahil hindi niya nasamahan ang Mommy Lydia na magbakasyon sa Thailand para doon i-celebrate ang kaarawan.

Iyun daw kasi ang type ni Mommy Lydia na gusto niyang magbiyahe na lang at magbabakasyon.

“Hiningi niya ‘yun eh. Gusto niya magpaikut-ikot sa iba’t ibang bansa,” pakli ng Ultimate Star ng GMA 7.

“Kasi, 74 na rin si Mama eh. Kasi, wala naman siyang ginagawa, nabu-bore na rin siya sa bahay.

“Hirap na rin siya maglakad-lakad. Hirap na rin siya maki­paglaro kay Jazz.

“Hindi niya mabuhat, kasi, hindi na niya kaya. Kaya iyun na lang. Ibigay ko na ang gusto niya na mamasyal,” dagdag niyang pahayag.

Kaya pangako niya sa Mommy Lydia niya na ibakasyon niya ito sa ibang bansa hangga’t kaya nito.

Kapag may time siya, sasamahan niya ito para mas maraming panahon siyang maka-bonding si Mommy Lydia.

2 Responses

  1. Parang wala nang dating ang Darna movie na ito. Kung si Angel ang magiging bida, lalong magiging walang dating. Alam ng lahat na matanda na si Angel. At ang katawan niya ay parang sa isang nanay na. Dapat ay isang hindi katandaang artistang babae angmaging lead star ng Darna. Iyong malakas pa sa masa katulad nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Liza Soberano o Julia Montes.