NOON pa matunog na si Liza Soberano ang nagmana ng DARNA movie mula kay Angel Locsin.

Umugong muli ang tsika, nguni’t ayon sa kampo ni Liza ay hindi pa ito opisyal.

Liza so deserves it. After Angel, naniniwala ang majority na ang pinakamagandang Star Magic princess ang karapat-dapat na magsabing, “Ding! Ang bato, dali!”

Sana, ang mga nagpapakulo na ang Ngongo Queen Kathryn Bernardo ay may chance na maging super heroine clad in a red bikini, manahimik na.

GSIS (Gising Sa Ilusyon, Sisters)!

Alam n’yo na kahit saang anggulo tingnan, imposibleng maging Darna si Kathryn.

Pwede siyang Narda o introduce her as a bagong kontrabida… and yes, your guess is as good as mine.

Siya ang Babaing Ngongo.

Na pag nagsalita siya while doing a drama­tic scene, nagkakabitak-bitak ang lupa, natutuyo ang mga tubig.

Pati pawis mo sa kili-kili, mawawala.

Ang tarusch nu’n, di ba?

Ang mas exciting ngayon, sino na ang iba pang iconic characters na dapat makasama ni Liza Soberano?

Si Ding, pasok sa banga ba kung ito ay ibibigay kay Marco Masa?

Ang pumapag-ibig na hombreng si Efren, kay Enrique Gil kaya mapunta?

Eh si Valentina… hindi ba scintillating kung ang pambansang harot na si Maja Salvador ang mabibigay buhay rito?

Jodi Sta Maria
Jodi Sta Maria

Ang babaing impakta, keribels ni Julia Barreto.

O mas bagay kay Janella Salvador?

Bagay na bagay sa Babaing Tuod role si Kim Chiu. Hindi na niya kailangan ang prosthetics.

Kaya lang, busy siya sa kanyang mor­ning prime drama kaya kanino ibibigay ang role?

Kay Jodi Sta. Maria kaya na parang OA na rin kapayatan?

12 Responses

    1. ngongo naman talaga ah,.. at paano magiging darna si kathryn e sakang ano yang darnang naka palda o kung nakabikini man e puro halfbody ang shots bawal makita ang mga binti wahahaha… dapat ng i suggest din na partner sila ni daniel padilla bilang super villain ni darna. babaeng ngongo at ang Lalakeng ngongo wahahaha

      1. E DI WOW….ang sinasabi ko, kung makapagsalita kayo sa kapwa nyo parang mga perpekto kayong nilalang, mga wala ba kayong kapintasan…hindi naman kiniclaim nun tao na sya ang maging darna, isa lang sya sa kinoconsider na gumanap..di bale nang ngongo, e ikaw, baka hindi ka makaharap sa salamin…alam mo na, baka hindi mo matanggap ang makikita mo… :))

      2. tama! sunod sunod blessings nila, kasi mabubuti silang tao…di naman kawalan kung ndi nya makuha ang darna, may teleserye naman sila bago, ang la luna sangre…