Darren brother in law ang tawag sa utol ni Cassy

Darren brother in law ang tawag sa utol ni Cassy

Itinanggi ng actor-singer na si Darren Espanto na may relasyon sila ni Cassy Legaspi. Hindi rin umano totoo na nililigawan niya ito.

“We’re really enjoying each others’ friendship at the moment po, so wala po talagang (relasyon),” paliwanag niya sa launching bilang bagong ambassador ng Beautederm.

Biruan lang din daw ang tawagan nilang brother-in-law ng kambal ni Cassy na si Mavi Legaspi.

“Biruan po namin ‘yun… ang dami nga po nagpo-post na mga CassRen ganun, it’s an ongoing joke din sa amin kasi mapang-asar yung mga ‘yon eh,” paliwanag niya.

Sa ngayon din ay wala pa sa isip nila ni Cassy na mag-commit sa isang relasyon. Pero para kay Darren, girlfriend-material naman umano ang ‘Sarap ‘Di Ba’ host.

“She’s very sweet, she’s very kind, she’s very simple,” paglalarawan niya.

Ikinwento rin niya ang relasyon niya sa magulang ni Cassy. Ayon sa bunso ng CEO at President Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, “very welcoming” umano sina Zoren at Carmina.

Nararamdaman din niya ang pagsuporta ni Zoren sa kanya dahil minsan ay pino-post pa umano nito ang mga kanta niya.

Natutuwa rin si Darren na mula noong bata pa sila ni Cassy hanggang ngayon ay may mga sumusuporta pa rin sa kanila kahit magkaiba ang kanilang network.

Bata pa naman umano sila at kusang darating ang pag-ibig sa buhay at hindi na dapat pilitin. Sa ngayon ay masaya siya sa friendship nila ng dalaga at sa mga fan na patuloy ang suporta.

ABS-CBN kinondena ang pagratrat kay Chiu

Nagbigay ng statement ang ABS-CBN 2 sa pagratrat sa van ni Kim Chiu. Mariin nilang kinokondena ang pangyayaring ito.

“ABS-CBN condemns the shooting incident this morning involving the vehicle carrying its artist Kim Chiu, her personal assistant, and her driver in Quezon City.

The network is relieved that none of them got hurt and is taking measures to ensure their safety. Our priority now is attending to their needs as they cope with this traumatic experience.

ABS-CBN would like to thank the authorities for quickly responding to the incident and securing Kim and her companions.

We are currently working closely with the authorities who are investigating the incident in the hope that the perpetrators will be brought to justice.”

Ianna kinilig sa KarJon

Inamin ng bagong recording artist ng Star Music na si Ianna Dela Torre na crush niya ang aktor na si Daniel Padilla. Makikita ang ningning sa kanyang mga mata ng pinag-usapan ito sa ginanap niyang album launching .

Ang 17-anyos na singer ay dating Junior Grand Champion performer at Champion Vocalist of the World honors sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) noong 2013.

Sey pa niya, kilig na nadama sa mga gumanap sa kanyang music video na “Wala Kang Kapalit”. Tampok dito ang former PBB housemate na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza.

Nadiskubre si Ianna ng singer-composer-producer na si Joel Mendoza .Siya rin ang tumatayong manager nito ngayon.

Sa ngayon ay mayroong 11 soundtrack ang album niya na “IANNA” . Napapaloob ang kantang “Pinapa,” “Kahit Sa Panaginip,” “Always You,” “Ang Sabi Mo,” “Love is Spelled as Y-O-U,” “Wala Kang Kapalit,” “Through The Fire,” “Alam kong Nandyan Ka,” “Together Forever,” at “Kailan,”

Mada-dowload ito sa Itunes at Spotify.