Darren ready nang magpaka-hunk

NI: ARCHIE LIAO

Eighteen years old na si Darren Espanto at masaya siya dahil may mga nakapagdedesisyon na siya sa ilang bagay na hindi na niya kailangang hingin ang blessings ng kanyang parents dahil nasa legal age na siya.

Katunayan, puwede na siya bumoto at manligaw lalo pa’t dati nang nali-link siya kina Jayda Avanzado at Cassy Legaspi.

Gayunpaman, nananatiling priority raw niya ang kanyang karera.

For the meantime, mas focused daw siya sa kanyang karera at gusto raw niyang gumawa ng ibang genre ng musika na outside of his comfort zone.

Happy rin siya dahil nagbunga ang kanyang pagwor-workout dahil achieve na achieve na niya ang kanyang katawang pangromansa.

Gusto niyang magpaka-hunky . May biceps at pa-abs pa.

Aside from singing, nami-miss na rin daw niya ang pag-arte.

Lately lang, ibinahagi niya sa kanyang socmed account ang edited scenes sa The Hows of Us, na debut niya as an actor.

Ready na rin daw mag-tackle ng challenging at edgy roles lalo na iyong mga roles na swak sa kanyang edad at personality.

Kasalukuyang iprino-promote si Darren ng kanyang music video na Sasagipin Kita.