Darren walang sasagipin kina Andrea, Kyline, Cassy

Darren walang sasagipin kina Andrea, Kyline, Cassy

Inamin ng newest Beautederm ambassador na si Darren Espanto na may nakaraan siya sa ilang mga young female artists gaya nina n Ylona Garcia, Kyline Alcantara, Andrea Brillantes. Nali-link naman siya ngayon kay Cassy Legaspi pagkatapos kay Jayda Avanzado.

Sa exclusive interview ng Tambayan ng Tsika YouTube channel nu’ng Friday, pinapili si Darren kina Ylona, Kyline, Andrea, Cassy at Jayda kung sino ang sasagipin niya pag lumubog ang barko.

“Ano… ako na lang,” sagot ng young actor-singer.

Mas pinili na lamang ng aktor na iligtas ang sarili kaysa mamili sa kanila.

Ang katanungang ‘yun ay may koneksyon sa kanta niyang “Sasagipin Kita” na themesong ng “A Soldier’s Heart”.

Pero, masaya naman si Darren na hanggang sa ngayon ay close pa rin siya sa limang nabanggit kahit nasa kabilang network sina Kyline at Cassy.

Samantala, Labis naman ang pasasalamat niya na maging Kapamilya ng beautederm.

Mensahe ni Darren sa CEO-Preseident na si Rhea Aninoche -Tan, “Maraming salamat po again for having me as your newest ambassador, it means a lot. Thank you so much po sa tiwala, and I’m looking forward to all the memories, all the mall shows and the events that are about to come.”

Bongga!

Charo pinaglalaban ang mga esmi na binubugbog

Nakaranas umano ng pambubugbog ang Mrs Universe 2019 na si Charo Laude. Kaya naman ang naging adbokasiya niya bilang beauty queen ay tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC).

Ani Charo, nakakarelate umano siya rito dahil sa experience noong magsimula siyang mag-asawa. Halo-halong physical, verbal at mental violence ang naranasan niya sa dating asawa.

Mabuti na lamang at may anak na siya noong panahon na ‘yon at ito ang naging lakas ng kanyang loob. Sa una ay nagtiis siya sa pagiging battered wife dahil sa takot na maging broken family.

Gayunpaman, ipinagpapasalamat niya ang naging experience dahil sa lesson na iniwan sa kanya.

Hirit pa niya, “Thankful din ako sa experience na ’to kasi through that doon tayo naging empowered woman, do’n tayo humugot lahat ng lakas at inspiration natin. Kaya no regret.”

Nag-iwan din siya ng mensahe sa mga kaibigang nakakaranas ng pang-aabuso. Aniya, kailangan umano ng awareness dahil kulang sa kaalaman sa karapatan ang mga kababaihan.

Si Charo ay produkto ng That’s Entertainment. Gumanap siya bilang isa sa mean mom ng ‘Kadenang Ginto’. Kasali rin siya sa pelikulang ‘Jolly Spirit Squad’ at ‘Mox Road’ na parehong pinagbibidahan ni JD Domagoso,

Bukod dito, ambassador din siya ng Simon’s Place na matatagpuan sa Mother Ignacia corner Sct. Borromeo na pagmamay-ari ni Cong. Bong Contapay. Ito ngayon ang paboritong tambayan sa showbiz, gimikan, kantahan, tawawana, pinagdadausan ng presscon at mga showbiz party.

Bongga!