Expected nang matatanong si Darren Espanto tungkol kay JK Labajo sa presscon kahapon ng concert ni Darren with Lani Misalucha and Jona na “The Aces.”
Ang pangalan kasi ni Darren ang isinigaw ng isang fan doon sa event kung saan minura-mura ni JK ‘yung nasa audience.
Nu’ng una ay halatang maingat si Darren about the issue at ang sabi niya, “Para sa akin, I’m not the right person na sumagot po dito right now.”
Pero kung siya ba ang tatanungin ay gusto niyang matapos na ang mga isyu sa kanila ni JK?
“Para po sa akin, as much as possible naman, opo, I think. Everyone wants that naman eh,” pakli ni Darren.
Wala na ba siyang hatred o kung anuman at napatawad na niya si JK sa nagawa nito sa kanya dati?
“Basta, I’d rather not talk about it here at this type of event. ‘Yun po,” simpleng iwas ng bagets.
Pero anong feeling niya na ang mga fan niya ang nagrereak at dumedepensa sa kanya ‘pag may mga isyu na ganito sa kanya?
“Sobrang thankful po ako sa kanila. The Darrenatics are very solid and I’m just happy that our family just keeps on growing and siyempre po, wala din po ako kung wala po sila na sumusuporta sa akin, dumedepensa po sa akin parati.”
Anong reaksyon niya doon sa mga singer na nagmumura habang nasa stage?
“For me, the show just goes on and it’s just something na para po sa akin ano eh, it’s just funny, kasi nag-effort pa sila para gawin ‘yon sa ‘yo. So, gusto ko rin siyang pasalamatan for going there.”
Paano kung sa concert niya, merong biglang sumigaw ng, “I love you, JK Labajo!” anong magiging reaksyon niya?
“I love you too! Kasi nandu’n siya, ako ‘yung nagpe-perform sa stage. Sinigawan mo ako ng ‘I love you!’ babalikan kita ng ‘I love you!’”
Kahit pa JK ang binanggit na pangalan imbes na Darren?
“Oo. Ako ‘yung nandu’n, eh,” kaswal na sey ni Darren.
Para sa 17-anyos na singer-dancer na kung tawagin ay Total Performer, hindi raw siya nakikipagkumpetensiya sa iba.
“I think it’s important that you compete with yourself lang. Kasi, unhealthy rin kung palagi kang nag-iisip na, ‘Ah, dapat matalo ko ‘to!’ o ‘Dapat mas galingan ko pa para mas ma-outshine ko siya!’ I think it’s healthier mentally and emotionally to think about yourself.”
Pleasure and honor daw for Darren na makasama niya sa isang concert sina Ms. Lani at Jona. Hindi naman daw niya papantayan ang boses ng dalawa, pero may kaabang-abang sila na operatic prod.
Inamin ni Darren na na-pressure siya at kinabahan dahil mag-i-18 na nga siya at medyo bumaba na ang boses niya since “The Voice Kids.”
Nagdalawang-isip daw siyang gawin ang number na ‘yon, pero nakaya niya naman. Ito ‘yung operatic prod nilang tatlo featuring songs from “The Phantom of the Opera.”
Nakatulong daw kay Darren ang vocal coaching na ginagawa niya ngayon dahil mas healthy na ang pagbirit niya at alam na niya ‘yung mga technique kung paano maaabot ang matataas na nota.
Sa March 30 ang kaabang-abang na tagisan ng boses nilang tatlo sa “The Aces” concert sa Araneta Coliseum.