Data transmission bill may tsansa pa sa Senado

May tsansa pang maipasa ang open access in data transmission bill bago matapos ang 17th Congress kung agad na matutugunan ng Se­nate committee on science and technology ang hinaing ng mga senador sa hakbangin.

Ito ang ipinahayag ni Senador Paolo Benigno ‘Bam’ A. Aquino IV matapos batikusin ng mga senador ang competition issues na kinapalolooban ng panukala.

Aniya, isusulong pa rin nito ang consolidated bill sa susunod na Kongreso kung mabibigo ang senado na maisabatas ito sa adjournment ng 17th Congress.

“Our offices are currently seeing if the current version can address their concerns. If we come to agreement, this still has a chance to get passed in January,” sabi ni Bam.

“If not, we will push for a consolidated version come July,” dagdag nito.

Layon ng panukala na magtaas ng barrier sa pagpasok ng data transmission industry sa bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng iba’t ibang requirements kabilang na ang certificate of public convenience at provisio­nal authority mula sa National Telecommunications Commission (NTC). (Anne Lorraine Gamo)