Socrates (Soxie) Topacio

HAVEY: Nagdadalamhati ang showbiz community sa pagyao ng ating mahal na Socrates (Soxie) Topacio.

Isang aktor-­direktor na haligi ng ­Philippine Educational Theater Association (PETA), mabuti’t habang ­nabubuhay pa siya ay inabot ni ­Soxie ang 50th Anni­versary ng kanyang mahal na organisas­yon.

Sa huling PHILSTAGE Gawad Buhay Theater Awards, ginawaran si ­Soxie ng Lifetime Achievement Awards.

Nang dumalaw ako sa kanya kahapon, patuloy ang pagbisita at pagbibigay galang ng mga kasamahan natin sa industriya at lahat ay may masayang pagpapatunay ng positibong impact sa kanila ni Soxie.

‘Di alam na marami na sa amin ni Soxie ibi­nigay ni Direk Uro de la Cruz ang basbas para isadula ang kanilang obra sa pelikula ni Direk Peque Gallaga na Scorpio Nights at Unfaithful Wife.

Pareho nang sumaka­bilang buhay sina ­Direk Uro at Soxie pero sa tulong ni Direk Peque, sana’y maipagpatuloy pa namin ang mga project na nabanggit.

Kausap pa rin namin ang anak ni Direk Uro para sa materyal.

More than the ­pending projects, nais kong magpasalamat sa magandang pagkakaibi­gan at sama­han kay Soxie.

Hindi ko siya makakalimutan.

Nga­yong ihahatid na siya sa hu­ling hantungan sa San Juan Ce­metery, nais kong magpa­salamat sa lahat ng kumalinga sa kanya lalo na ang PETA at si Mr. Tony Tuviera.

Binabanggit ng pamangkin niyang si Aya kung gaano kalaki ang tulong nila lalo na noong magkasakit na ang kanilang tiyuhin.

Paalam, Soxie!

***

WALEY: Naka­kaba­hala ang post ng isang dating child star noong nakaraang linggo ukol sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay.

Makikisimpatiya ka sana sa ganu’ng sitwasyon pero nang mapag-ala­man ko ang buong kuwento, maaawa ka sa sinapit ng ipinagdadalamhati nito.

Kabit pala ng isang taong may pa­milya ang dating child star. At nakapanghihina­ kung totoo ang balitang naaksidente ang lalaki­ nang makipagtalo sa misis nito tungkol sa kabit na ex-child star.

Mahirap ­manghusga sa ganitong sitwasyon pero isa sa ipinost ng ex-child star sa social ­media ay nagsasabing, ­“Mag­kasama lang tayo, ngayon wala ka na.”

Tahimik na nagdalamhati ang ex-child star na mas mainam naman kaysa may eskandalo pang mangyari sa mismong burol ng lalaking kanilang pinag-agawan.

Ibang-iba ang imahe ng ex-child star na ito sa kinasapitan niya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Napapagidiyap-gidiyap ka…

Ging Gang Goolie!

***

For your comments, opi­nions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.