Hindi magpapatumpik-tumpik pa ang Ateneo de Manila University para angkinin ang Game 2 ng 81st University Athletic Association of the Philippines 2018 senior men’s basketball race-to-2 win finals at maipagtanggol ang titulo.

Para magtagumpay, giniit ni Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin na parehong pormulang ginagamit sa simula pa lang ng torneo ang ilalatag nila upang masundan ang 88-79 Game 1 victory para makumpletong ganap ang sweep sa Unibersidad ng Pilipinas.

“Our mindset on the floor is to be the team that we have been all season long and not change for the occasion,” anang ADMU Blue Eagles coach, na tinutudla ang ika-2 na korona sunod na at 10 sa pangkalahatan sa 13 Finals stint buhat noong 1978.

At kahit ano pa ang maging paraan ng UP Fighting Maroons para bulilyasuhin sila mamayang alas-3:30 ng hapon sa Big Dome, Quezon City, talagang sa dating sistema pa rin sasandal ang Loyola Heights-based dribblers para ‘di na umabot ang serye sa winner-take-all Game 3 sa Sabado.

“We expect UP to make some adjustments and make some changes. Probably be a little bit more focused on the inside.

But that’s not really gonna change how or why we do what we do,” hirit ng American-Kiwi drillmaster.

Siguradong bantay-sarado para sa mga cager ng Diliman ang mga naging tinik sa lalamunan nila sa unang salvo ng “Battle of Katipunan” noong Linggo na si Matt Nieto tapos dumiga ng 27 points at muntik tumuka ng triple-double na si Thirdy Ravena – 21 pts., 10 rebounds at 9 assists.

Positibo rin ang counterpart ni Baldwin sa Peyups na si Bo Perasol na walang uulang confettis at balloons mula sa rafters ng coliseum kung pagbabasehan aniya ang kakayahan nilang muntik na pagtaob sa karibal sa balikatang unang siyapol sa yugtong ito.

“Game 1, it gave us ‘yung idea na beatable (‘yung Ateneo). Before, wala namang nagbigay ng tsansa sa amin e,”
anang State U mentor, na pangunahing armas pa rin sina MVP Bright Akhuetie, Mythical 5 member Juan Gomez de Liano at super senior/team skipper Paul Desiderio.