Arestado ang dalawang lalaki kabilang ang isang dating fliptop rapper matapos mahulihan ng iligal na droga sa isang anti–drug operation sa Pasay City Police.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police ang nadakip na sina Andy Jamolin y Malana alyas ‘Andy G’, kilalang da­ting fliptop rapper at kasamang si Joseph De Vera alyas Oseng, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa Riverside, Tramp Brgy. 156, Zone 16 ng nasabing lungsod.

Sa report ni Police Capt. Deni Mari Pedrozo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), alas-siyete ng gabi nang maaresto ang dalawa
sa #171 B, Riverside, Tramo, Barangay 156, Zone 16 Pasay City.

Ayon kay Pedrozo, nakuhaan umano si Jamolin ng isang sachet ng shabu habang dalawang sachet naman kay De Vera.

Sinasabing bumili umano ng droga si Jamolin kay De Vera nang arestuhin ng mga awtorodad. (Armida Rico)