Bibihisan ni dating Barangay Ginebra San Miguel pointguard Aris Dimaunahan sa katulad sa natutunan sa ilalim ni Living Legend Robert Jaworski na kalidad ng laro kung hindi man lampasan ang ugali na “never say die” sa pagkapit sa kanyang unang trabaho bilang coach sa papaangat na Blackwater Elite.

Isa sa dating mahusay at mabilis magdala ng bola sa laro sa Philippine Basketball Association sa Gin Kings noong 2003-2011 at maging bago naglaro ng tatlong taon sa Gin Kings noong 2003-2006, umaasa si Dimaunahan na maibahagi ang kanyang natutunan sa mahabang paglalaro sa liga at pati na rin bilang miyembro ng pambansang koponan.

“Maganda naman at very receptive ang mga player sa kanya,” sabi kahapon ni Blackwater Governor Silliman Sy.

Matatandaan na nagbitiw sa koponan si Bong Ramos sa nakaraang linggo para palitan siya ni Dimaunahan matapos na hindi magiyahan ang Elite sa mas magandang kampanya sa Philippine Cup.

Tumapos ang Elite na kulelat sa standings sa naitala lang na 2 panalo at 9 na talo.

Kaya naman nais ni Dimaunahan na maituro kahit bahagi man lang ng pagiging isa nitong da­ting “never say die” na Gin Kings upang mabago ang kapalaran ng Elite sa Commissioner’s Cup sa darating na Mayo.

Hindi na bago si Dimaunahan, 41, sa trabaho bilang parte ng coaching staff kung saan limang taon siya sa Elite, national women’s team at sa ilang collegiate teams.

Inaasahan din na magbabago ang direksyon ng Elite dahil maliban kay Dimaunahan, ituturo ang kanyang sariling sistema ay madaragdagan ang kanyang aasahang manlalaro sa pormal na inaaasahang pagsama na ni second overall pick Bobby Ray Parks, Jr. (Lito Oredo)