Dating NBA player Larry Bird

Isa sa pinakahinangaan kong manlalaro sa National Basketball Association (NBA) ay si Larry Bird ng Boston Celtics noon.

Unang una, tatlong beses niyang binigyan ng kampeonato ang Boston noong 1981, 1984 at 1986. Tatlong beses din niyang nasungkit ang MVP sa liga ng Estados Unidos noong 1984, 1985 at 1986.

Ilang beses pang nanalo ng 3-point shootout sa NBA All Star Weekend, 12-time din siya All Star Games. At ang isa sa pinakamemorable na laro niya ay nang mapabilang sa Dream Team na sumabak sa 1992 Barcelona Summer Olympic Games at nanalo ng medalyang ginto.

Nasa 63 anyos na ngayon, pagkatapos ng kanyang paglalaro sa NBA, naging coach siya ng Indiana Pacers at presidente ng Indiana Basketball.

Bakit ko nga ba hinahangahan si Bird?

Noong magretiro siya sa Celtics, sinulatan ko siya at humingi ako ng kopya ng kanyang retirement speech. Pinadalhan niya ako ng video at siyempre tuwang-tuwa ako. Ang sabi niya sa video na hindi ko makakalimutan, ”Whenever I go inside the Boston Garden or any venue, there was only one thing in my mind, to win.”

Focus na focus siya sa laro at grabe ang kumpiyansa ng taong ito. Sinabi pa niya, “If I am confident, I play at my best, and if I play at my best, no one can stop me.”

Kumpiyansang kumpiyansa sa sarili, kaya ang kanyang statistics sa paglalaro ay 24 points, 10 rebounds at 6 assists per game sa buong karera niya sa NBA.

Sino ang hindi nakaalala na three-time All Star 3 point Shootout king siya, nanalo si Larry noong 1986-88. Pagdating niya sa dugout, nakita niya mga katungali sa contest. Sinabihan niya mga magiging katungali niya. “Sino sa inyo ang maghse-second place? Kasi alam niya siya na ang mananalo. Totoo nga, nakaatlong sunod na taon siyang kampeon.

Sa basketball, kailangang tandaan ang tatlong “C”. Concentration o focus sa laro, Composure o huwag mag-panic o mataranta at Confidence o kumpiyansa. Na kay Bird lahat iyan kasi iniidolo siya ng marami sa basketball, at isa na ako doon.