Dating OFW natsismis na pusher nagbigti sa Paoay

ILOCOS NORTE Laoag City –— Isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagbigti dahil sa tsismis na isa itong drug user at umano’y pusher din sa bayan ng Paoay.

Batay sa ulat ng PNP, natagpuan ng ka­ni­lang maid ang biktima na nakilalang si Roger Ralar, 44, na nakabigti sa mismong garahe ng kanilang compound sa Barangay 4, Paoay.

Sa salaysay ng biye­nan ng biktima na si Inocensia Bagasol, sinabi umano ng biktima na mas gugustuhin na niyang tapusin ang kanyang buhay kaysa mapagbinta­ngang gumagamit at nagbebenta ng bawal na gamot sa kanilang bayan.

Nalaman umano ng bik­tima na ito’y ­itinuturo ng mga sumukong pi­nag­­hihinalaang drug user at pusher kaya’t ma­s­­yado itong nag-alala.

Wala namang nakitang foul play ang mga imbestigador sa nasabing insidente.