Dating Olympic head, waging Burundi prexy

Mula sa dating pagmamando sa Burundi National Olympic Committee (BNOC), nahalal si Evariste Ndayishimiye bilang bagong pangulo ng Burundi sa kakatapos na residential election.

Nagwagi si Ndayishimiye sa naitalang 70.98% ng boto upang okupahan ang posisyon ni outgoing President Pierre Nkurunziza, na kabilang din sa National Council for the Defense of Democracy–Forces for the Defense of Democracy (CNDD-FDD) party.

Si Ndayishimiye ang presidente ng BNOC noong 2009-2017 at patungo sa pagiging pinuno ng kanyang bansa, siya ang vice-president .

Iniulat ng isang journalist na si Samira Sawlani sa post sa Twitter sa @samirasawlani na “Burundi opposition party CNL’s Presidential Candidate Agathon Rwasa has filed a case at Constitutional Court challenging last week’s election results.”

“Mr Rwasa says the polls were marred by irregularities & fraud. Ruling party candidate Evariste Ndayishimiye was declared winner,” ayon pa sa post.

Sapul noong 2017 kinilala bilang honorary President ng BNOC at binigyang pagkilala ni reigningng BNOC President Lydia Nsekera ang bagong pangulo ng bansa dahil sa kanyang kontribusyon at paglahok ng Burundi sa nakalipas na edisyon ng Olympics.

Iniulat din ng Burundi Human Rights Initiative, na ang eleksiyon noong May 20 puno ng iregularidad kabilang ang pag-aresto sa mga opposition leaders at indibidwal na bumoto ng ilang beses.

Kinasuhan ng main opposition party leader ng National Freedom Council na si Agathon Rwasa ang constitutional court sa mga mga alegasyong dayaan kontra sa nagwaging partido. (Lito Oredo)