Dating opisyal ban sa elevator

Hulaan Blues

Hindi pa rin daw nakakamove on ang isang dating kalihim ng isang ahensya at feeling Very Important Person o VIP pa rin sya.

Sa sumbong kasi ng ating Amuyong, nang magtungo sa gusali ng Senado ang dating opis­yal para sa isang pagdinig ay pinagbawalan itong sumakay ng elevator.

Hindi naman daw binastos ang dating opis­yal dahil malumanay na nagpaliwanag ang elevator girl na kapag oras ng sesyon o hearing, nakalaan ang elevator para lamang sa mga senador.

Sumusunod lang daw ito sa pinalabas na memorandum na ang ‘elevator 1’ ay para lang sa mga senador at bitbit nilang bisita at mga bigating opisyal ng Senado.

Itinuro pa nga raw ang dalawa pang elevator na maaari nitong gamitin subalit ipinagpilitan daw ng julalay ni mam na dun sya sa pang VIP dahil sya ay dating opisyal.

Akala siguro ni ma­dam ay pasasabayin siya sa elevator na sinasak­yan ng mga janitor kung kaya’t nagpumilit ito na sumakay sa VIP elevator.

Wala na raw nagawa ni ate girl kundi napakamot sa ulo at isinakay na si Mam.

Si Madam Secretary na ma-beauty pa rin naman sa kabila ng kinakaharap na problema ay may I sa apel­yido as in Inject na lang ng inject.