‘KALOKA ang eksena ng isang ex-PBA player (sumikat siya noong kapanahunan niya at nakapag-asawa pa ng isang artistang galing sa isang showbiz clan, pero nahiwalay rin) at isang mahilig mag-book ng athletes para maglaro sa isang famous television show.
Hindi kasi alam ng ex-PBA player ang totoong talent fee niya.
Eh, 40% pala ang binawas ng nag-book at ang alam lang ni ex-PBA player ay 20%.
Nang ma-confirm ni ex-PBA player kung magkano ang talent fee niya sa guesting na ‘yon, kinompronta niya ang booking agent.
Sinabihan ni ex-PBA player na ibalik sa kanya ang 20% ng kanyang talent fee para hindi sila magkagulo.
Eh, kilala si ex-PBA player sa pagiging maangas, kaya natakot ‘yung booking agent at ibinalik ang 20%.
Sa ngayon pa naman, kailangang-kailangan ni ex-PBA player ng datung dahil wala siyang masyadong pinagkakakitaan.
Pati ibang mga dating kasamahan niya sa PBA ay nilalapitan niya at “hinaharbatan”.
‘Yung isang ex-PBA player na nakasama niya noon at katulad niya ay nag-artista rin ay madalas niyang lapitan.
Kung anu-anong “drama” ang sinasabi niya para makapanghingi ng pera.
Ang duda ng iba, baka may “bisyo” pa rin si ex-PBA player kaya palaging nangangailangan ng datung!