Dating PBA player tirador ng may sabit

MATINDING palaisipan sa mga netizen ang dating star player sa Philippine Basketball Association (PBA) na ngayon ay punto ng isang blind item dahil sa paborito nitong gawin sa mga dating asawa ng kanyang kapwa player pati na mismo sa kanyang mga dating kakampi sa koponan.

Iba-ibang mga pangalan ng dating naglaro sa propesyonal na liga ang lumutang dahil sa post sa Twitter ni Snow Badua na tinutukoy ang isang player na mahilig na pumatol sa mga naiiwanang misis ng mga kapwa nito dating player at maituturing na isang “ex-wife killer”.

“Ex-wife of former PBA star irritated at constant sweet messages sent to him by her estranged hubby’s former Coca-Cola Tigers teammate. Makulit daw at mapilit eh mabait pa naman daw at masipag wife nun,” post nito.

“This former Coca-Cola Tiger would most of the time make comment (of course via messenger) on ex PBA star’s wife’s sexy photos like “Wow, sexy naman. musta?”, try to send magnetizing comments (Messenger) like: Maganda ka talaga maam kahit nung araw pa to maintain closeness,” post pa nito.

“Wow, so this player we call My Cager has also been texting another ex-wife. He was even asking the former wife of a former slam dunk king to join him either in Subic or Clark. This is apart from constantly texting the ex-wife of a former Powerade King Tiger,” ayon pa sa post.

Post naman ng netizen na si Stephen sa Twitter account nito na @hellomikecheck sa pagreply sa @snowbadua post na ang “Estranged husband – David” at ang “Former Teammate – Coca-Cola – MC – Marvin Cruz.”

Hula naman ni Vinmarkiansotto@Vinmarkian sa post nito na si “Wainwright???”.

Sinabi naman ni d’Rhum sa kanyang @ar27express na “Ang MC na naglaro sa coke mc caceres lang tanda ko.”

Ang player ay isa sa mga beterano at tinagurian na isa sa Powerade King Tiger. (Lito Oredo)