Ang Samson Road sa Caloocan City ay ipina­ngalan kay Apolonio­ Samson. Isa siyang opisya­l ng Katipunan na nakipag­laban kasama ni Andres Bonifacio sa mga Kastila.

***

Ang kalye ng ­Tayuman sa lungsod ng Maynila ay ipinangalan sa isang uri ng halaman na dating sagana sa nasabing lugar na tinatawag na tayum. Mula sa dating San Lazaro Hippodrome sa Sta. Cruz, ang kahabaan nito ay umaabot hanggang sa Pritil sa Tondo­. Bahagi­ ng Circumferential Road 2 o C-2 ang kalye ng ­Tayuman.

***

Si Ambrosio Rianzares­ Bautista na isang abogado ang may-akda ng Declaration of Philippine ­Independence. Isinilang siya sa Biñan, Laguna at ­malayong kamag-anak ng pamilya ni Gat Jose Rizal.

***

Ang Palanan ay isang bayan sa probinsya­ ng I­sabela. Malayo ang baya­n na ito sa buong lalawigan ng Isabela. Mararating ­lamang ito sa pamamagitan ng eroplan­o o bangka­. Sa Palanan ­nahuli ng mga sundalong Amerikano­ ang grupo ni Emilio A­guinaldo.

***

Ang dating pangalan ng Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila ay Plaza Lawton. Ipinangalan ito sa Amerikanong heneral na si Henry Ware Lawton. Siya ang pinakamataas na opisyal ng mga sundalong Amerikano­ na nasawi noong Philippine-­American War sa sagupaang naganap sa Morong,­ Rizal.

May isang siyudad sa Oklahoma na ipinangalan din sa kanya.

***

Ang Parish of Our Lady of the Abandoned o Nuestra Señora de Los Desamparados na kilala rin sa tawag na Santa Ana Church ay matatagpuan sa lungsod ng Maynila. Matatagpuan dito ang ­National Cultural Treasures na dineklara ng National Museum. Ito ay ang Santa Ana Site Museum­ na nasa patio ng kumbento at ang Camarin de la Virgen, isang chapel room kung saan nakalagay ang imahen ng Our Lady of the Abandoned.