Isang dating pulis ang duguang napasubsob sa harapan ng minamanehong tricycle nang walong ulit pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakilalang riding-in-tandem sa kahabaan ng Gapan-Olongapo road, sakop ng Brgy. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktimang si Norman Jimenez de Leon, 32 anyos.

Sa report, galing umano sa pamamalengke ang biktima at pauwi na, sakay ang kapatid na nasa loob ng tricycle nang mangyari ang pananambang noong Huwebes sa gitna ng umiiral na ECQ.

Umabot umano sa 8 tama ng baril ang tinamo ng biktima na isang dating Police Officer 1, bago nag-AWOL dahil nagtrabaho sa abroad at umuwi sa bansa noong Disyembre 2019.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng pagpatay at nananawagan na ng hustisya ang mga kaanak nito. (Jojo de Guzman)