Sumuko kahapon sa Sandiganbayan­ Sixth Division ang dating spokesman ng Reformed Armed Movement (RAM) na si Proseso Maligalig na nahaharap sa kasong Malversation through Falsification of Public Document.

Agad ding nakauwi si Maligalig matapos magbayad ng P230,000 ­piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Noong Abril 17, 2017 ay kinasuhan ng Office of the Ombudsman si Maligalig, na dating Pangulo ng Bataa­n Shipyard and Engineering Co., Inc. (Baseco), dahil sa “release, waiver and quit claim” na inilabas nito na pabor sa Northstar Transport Facilities Inc., noong Marso 29, 2010.

Ang Baseco ay isang government owned and controlled corporation (GOCC) na nasa Port Area, Manila.

Base sa kasong isinampa ng Office of the Ombudsman, hindi umano dumaan sa Baseco board of directors ang naging aksyon ni Maligalig suba­lit pinalabas na mayroong board resolution noong Marso 24, 2010.

One Response