NI: RONALINE AVECILLA

Tuloy ang laban sa pagitan ng dating mag-asawa na sina Johnny Depp at Amber Heard. Nagbigay na rin ng statement ang dating assistant ng aktres na nakaranas ng verbal abuse mula sa kanya.

Ayon sa The Blast, si Kate James ay naging assistant ng aktres simula noong 2012 hanggang 2015. Kung ilalarawan ng former assistant ang karanasan sa aktres, para umano itong bangungot sa kanya.

Base sa statement ni James, malaking advantage sa aktres ang madikit sa pangalan ni Johnny Depp. Malaki rin ang pinagbago ni Amber sa kanyang pananamit at nang maipalabas na parehas ang interes nila ng aktor.

Labis pa nga ang naging tuwa nito dahil nakakakuha ng libreng designer clothing dahil sa pagiging girlfriend ng aktor.

Nakakatanggap din siya ng hindi kanais-nais na salita kay Amber kahit sa maliit na bagay lang. Hindi rin umano ito marunong tumanggap ng eksplanasyon.

Droga rin ang inamin niyang rason sa pang-aabusong ginagawa ng aktres. Pinagmamalaki rin umano ng aktres ang paggamit nito ng mushrooms at MDMA.