Dating soccer player niratrat sa protesta

Hindi pa nga nalulutas ang pagkamatay ni George Floyd noong May 25 na nagsindi ng kabi-kabilang rally kontra racism sa United States, isa pang black man ang pinaslang nitong Hunyo 1 (Manila time).

Siya ay si Chris Beaty, 38, isang business owner sa Indianapolis, dating Indiana University football player at isang pilantropo.

Kung nalagutan ng hininga si George sa pagdiin ng tuhod ni Minnesota police officer Derek Chauvin, si Beaty ay pinagbabaril naman na agad kinamatay sa kanyang Indianapolis apartment building sa kasagragan ng protesta sa lugar.

Hindi mapigilan ni Miami Dolphins coach Brian Flores ang emosyon sa pagyao ng matalik at mabuting kabigan.
“This guy was an incredible human being,” ani Flores kahapon. “It’s sad. It’s just another tragedy that we’re dealing with. Hopefully we can learn from it and make the necessary changes so these things don’t happen again.”