Patay ang isang retiradong sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang manlaban sa inilatag na ‘Quarantine Control Point’ sa Quezon City, noong Martes ng hapon.
Ang napatay na suspek ay nakilalang si Winston Aquino Ragos, retired AFP soldier, at residente ng No. 65 Sampaguita St. Maligaya Park Subdivision, Pasong Putik, sa nasabing lungsod.
Ang insidente na nag-viral sa social media ay naganap dakong alas-2:30 ng hapon noong Martes sa harap ng Genel’s Silog sa Maligaya Drive, kanto ng Sampaguita St. Pasong Putik, QC.
Sa inisyal na imbestigasyon nina PMSg Julius Balbuena at PCpl. Alexis Mace Jurado ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), abala umano sa pagmamantine sa ‘Quarantine Control Point’ si PMSg Daniel Florendo, nakatalaga sa QCPD Police Station 5, kasama ang mga police trainees na sina Dejeles Gaciles, Arnel Fontillas Jr., Joy Flaviano at Dante G. Fronda pawang nakatalaga sa Field Training Program ng Highway Patrol Group (HPG).
Habang abala ang mga nabanggit na awtoridad sa checkpoint nang dumating ang suspek na nagpakilalang sundalo at galit na kinompronta sina Fontillas at Flaviano at sinabing “Ang Sama ng tingin mo, anong problema mo?”
Dahil dito ay agad na inompormahan ng police trainees si PMSg Florendo na agad namang pumagitna at kinausap ang suspek na dumapa subalit napansin niyang bubumubunot ng baril ang huli sa kanyang handbag.
Nang maramdaman na nasa panganib ang kaniyang buhay, ay binunot ni PMSg Florendo ang kaniyang baril at inutusan ang suspek na itaas ang kamay subalit bumunot pa rin ito ng baril kaya agad na itong pinaputukan ng una.
Nang duguang bumagsak ang dating sundalo ay isinugod pa ito sa kalapit na ospital subalit binawian din ito ng buhay.
Nasamsam sa suspek ang isang caliber 38 revolver Smith na may lamang apat na bala, wallet, mga ID’s ng Landbank ATM at BDO ATM.
Umani naman ng samu’t saring komento sa social media ang insidente:
Ayon sa nakilalang Iechra Oyorra-“ Matitigas ang ulo kung may baril talaga itong si Manong maaaring yung pulis o sundalo pa ang namatay dyan.”
Habang sinabi naman ni John Sison- “Dapat hinuli din yung mga maiingay na feeling magaling na nasanay sa baluktot na demokrasya tuloy walang disiplina at lack of knowledge. Aktong bubunot, lumabag sa batas, ayaw sumunod, ang daming violation. Pati kayong mga chismosa kung tutuusin pwede kayong damputin.”
Markjason Dondoyano Pujanes-“ Kudos to the policeman. Sir snappy salute tama lang yan to serve and protect klarong klaro sa video na bumunot ang tao kaya yun. Keep safe frontliners.”
JerryBalbin—“In this case, wla may alam kung meron o wla b tlgang armas ung tao. Kaso, ngpakita ng motibo ung tao na meron kya kelangan na sya ineutralize to prevent further damage to sorrounding people hnd lng s pulis kc bka granada pa dala damay lhat. Moral lesson.”
Sa post naman ni Riodique Yan—“Ang dapat sa mga matitigas ang ulo, akala mo siguro tambay lang kausap mo. Utos yan ng Mr. President kung sino man ang bumastos at parang lalaban sa mga pulis at Army natin shoot to kill agad yan.”
Ricardo Salamat : “Titigas ng ulo kc.. Respeto nyu yn mga militar dahil mga disiplinado mga yn…ng paksakit mga yn s matitinding training at pg ka tapos issabak sa gera para lng maabot un ranggo tapos babastusin nyo lng… D nmn ilalagy mga yn kun wla.sapat n dahilan kya sumunod nlang at wag po mging pasaway.”
Joey Calma Castillo : “Tama lang yan..magsilbing aral sa du marunong sumunod sa batas at di marunong mag bigay galang sa mga alagad nang batas..napa clear pinapadapa at at umambang may bununutan, natural lang na puputukan, ekung maunahan..salute mga police.”(Dolly B. Cabreza)