Matapos ang matagal niyang pananahimik sa pagsasara ng ABS-CBN ay nagsalita na si Kathryn Bernardo.
Aminado siyang nanahimik siya dahil na-trauma siya sa huling beses na naglabas siya ng saloobin hinggil sa isyung politikal.
Katakot-takot daw na bash ang natanggap niya.
“Kagaya po ng iba sa inyo natakot po ako kasi ‘yung huling beses po na ginamit ko ‘yung platform ko sa usaping politika hindi naging maganda ‘yung nangyari. Naging traumatic po ang experience ko nun kagaya po ng nararanasan ngayon ng ibang artista na nagsalita, ang dami pong pag-atake, ang daming sinabi hindi lang sa akin kundi pati sa pamilya ko,” saad ni Kathryn sa video post niya sa Instagram.
Ngayon ay nagsalita na siya dahil sa pakiramdam daw niya ay kailangan na at gusto niyang maging boses ng iba.
“After a week of thinking, I shot this last night as a response to the shutdown. Right now, thankfully, Speaker Cayetano files a bill granting ABS-CBN provisional authority. Here’s to hoping things get better from here,” caption ni Kathryn. (IS)