Datung ni John Lloyd, habol ni Ellen?

AFTER na narinig namin ang kuwento ng isang celebrity tungkol kay Ellen Adarna, hindi na kami nagtataka ngayon kung bakit sinasabi ng mga malalapit kay John Lloyd Cruz na sobrang in love rito ang aktor!

Sobrang maasikaso raw kasi itong si Ellen.

https://www.instagram.com/p/BaKjcHbFhZl/?hl=en&taken-by=maria.elena.adarna

Kung sa mga kaibigan at kakilala raw, sobrang maasikaso na si Ellen, what more pa raw sa kanyang boyfriend?

Kuwento raw kasi ng isang nail person na nag-service minsan kay Ellen sa bahay, sobrang bait daw ng sexy actress.

“Noong nagpunta raw kasi sila roon, sobrang maasikaso sa kanila si Ellen. Sobrang bait daw at ipinagluto pa sila. Hindi raw talaga pumayag si Ellen na umalis sila na hindi man lang kumakain,” simulang kuwento sa amin ng celebrity na kakilala ko.

“‘Yung yaya raw ni Ellen, nakaupo lang sa couch at si Ellen ‘yung abalang-abala sa pagluluto para sa mga gumawa ng kanyang kuko.

“Masarap daw magluto si Ellen lalo na ‘yung adobo, kaya baka ‘yon ang isa sa mga dahilan kung bakit sobrang na-in love rin si Lloydie sa kanya.

“Palakuwento rin daw si Ellen. Very friendly. Kung sa mga taong nagse-service lang sa kanya, ganoon na siya kaasikaso, what more kay Lloydie? No, wonder at in love na in love sa kanya si Lloydie. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit napapabalitang gustong pakasalan ni Lloydie si Ellen!” sabi ng celebrity na nakausap namin.

Nakausap din ng celebrity na ‘yon ang isa pang malapit kay Ellen. Ang sexy actress daw ‘yung tipo ng artistang hindi mahilig maglagare sa trabaho. Mapili raw sa mga tinatanggap na trabaho si Ellen.

“Sabi kasi sa akin, hindi type ni Ellen ‘yung trabaho nang trabaho. Namimili lang daw ng work. Hindi siya ‘yung tipong naglalagare. In a month daw, piling-pili lang daw ang trabahong tinatanggap ni Ellen at marami siyang offers na tinanggihan na,” dagdag pa ng kausap namin.

Sa yaman naman daw kasi ni Ellen (kilalang-kilala ang pamilya niya sa Cebu bilang isa sa pinakamayaman sa lugar na ‘yon), hindi naman talaga kailangan ng sexy actress na lumagare sa showbiz.

Enjoy lang daw talaga si Ellen sa paminsan-minsang pagtatrabaho.

“No wonder, she can also afford to be with Lloydie sa Europe ng matagal at hindi mag-work. Hindi niya kailangang umasa lang kay Lloydie dahil may pera rin si Ellen!” dagdag pa ng kausap naming celebrity.

Actually, ilang mga malalapit din kay Lloydie ang nagsasabi talaga na grabe talaga ang pag-aasikasong ginagawa ni Ellen sa aktor.

The way nga raw na i-treat ni Ellen si Lloydie ay hindi mo aakalaing napaka-wealthy ng kanyang pamilya sa kanilang lugar!

Bea Alonzo at Gerald Anderson magtatagpo sa Barcelona

DAHIL sa Cosmo Cee event sa SM Fairview kahapon, kagabi lang pala nakaalis ng bansa si Gerald Anderson para sa TFC (The Filipino Channel) event ngayong araw na ito sa Barcelona, Spain.

Magkasama sa event mamaya si Gerald at ang girlfriend niyang si Bea Alonzo, pero hindi sila sabay umalis ng bansa kagabi. Nauna na sa Barcelona si Bea.

Bigla lang kasi ang pagkakasama ni Gerald sa TFC event mamaya sa Barcelona at noon pa sila nakapag-commit sa BARGN event ng Cosmo Cee kahapon sa SM Fairview, kaya tinapos muna ‘yon ng aktor at saka sumunod kay Bea at sa iba pang mga kasama sa event na ‘yon.

Si Piolo Pascual nga, noong Friday lang umalis, dahil may iba pa rin daw itong mga trabahong tinapos.