LUMALAKING magagandang dalaginding ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez (sa Turkish ex-husband nitong si Yilmaz Bektas) na sina Lorin (12-anyos) at Venice (11-anyos).

Dalaga na pumorma, mag-ayos at pati magsalita ang panganay na si Lorin. Parehong very smart ang daughters ni Ruffa.

Excited ang dalawang bagets dahil mas mahaba ang exposure nila sa Season 4 ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez kumpara sa mga naunang season.

Si Venice ay mas na-excite nang malamang maraming celebrities ang nanonood ng reality show ng Gutz family, gaya ng Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes.

Sinama kasi ni Sarah Lah­bati sa ASAP sina Lorin at Venice at may stars doon na sinasabi sa kanila na napapanood sila ng mga ito sa It Takes Gutz.

Syempre as a mom, ang gusto ni Ruffa ay makapagtapos ng college ang dalawa. Kung puwede, ang gusto niya ay sa Ivy League universities.

Alam ni Ruffa na hilig ng mga ito ang showbiz at ngayon pa lang ay nagsisimula na. Nagme-makeup na ang mga ito, nag-aayos na at gustong mag-modeling.

Ang kondisyon niya, as long as maganda ang grades sa school at walang pasok ay puwedeng gawin ‘yon ng mga bagets.

Pero wish niyang maging successful muna sa pag-aaral ang mga ito bago mag-showbiz.

Ayon kay Lorin, gusto niyang gayahin ang kanyang Tito Raymond Gutierrez who does PR jobs because ‘yun din ang gusto niyang gawin.

“I also want to join showbiz on the side because I don’t want to lose connection with showbiz. It’s something I’ve always wanted to do especially modeling,” da­yalog ni Lorin.

“I thought you wanted to be a lawyer? And Venice wants to be an Engineer?” tanong ni Ruffing.

Entrepreneur ang parehong gustong magi­ng­­ nina Lorin at Venice.

Si Venice ay fashion design ang dream job. Her mom daw kasi is a beauty queen at mara­ming clothes, so gustong mag-design ng clothes ni bagets.

“­I also really wanna do showbiz because I’m a socialite. I love socializing with people and meeting other people,” hirit ni Venice.

Tanggap ni Ruffa na next generation na ang nangunguna sa mara­ming bagay, kaya hindi na mapipigilan ang pagpasok sa showbiz ng mga anak niya.

Happy ang Gutierrez family na mapapanood na sa mas marami pang countries in Asia ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez tulad ng bagong dagdag na Japan, China at South Korea.

Every Monday (8:30 PM) mapapanood ang It Takes Gutz… Season 4, na magsisimula bukas sa E!