DAVAO CITY — Ipinatitigil na ni Mayor Sarah Duterte-Carpio ang night market dito matapos umanong makitaan ng maraming paglabag sa ordinansa ng Davao City ang daan-daang mga vendors.
Tinatayang mahigit sa 700 vendors ang apektado ng kautusan ni Carpio na sisimulan ngayon araw ng Huwebes sa kahabaan ng Roxas Avenue.
Ang hakbang ay base sa rekomendasyon ng City Traffic and Transport Management Office sa ilalim ng hepe nitong si Rhodelio Poliquit.
Isa sa malaking dahilan ng pagpatigil ng ‘tiange’ ay ang hindi pagsunod sa patakarang ‘one family-one stall rule’ matapos na malaman ni Carpio na karamihan sa mga puwesto o stalls ay pinatatakbo sa mga ‘dummy’ ng mga financiers at ang iba naman ay pinarerentahan pa sa ibang vendors.