Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental kahapon nang madaling-araw.

Sa tala ng Phivolcs, alas-2:50, Huwebes nang umaga nang maganap ang pagyanig sa 66 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos kung saan may lalim itong 64 kilometers.

Sumunod namang nilindol ang Agusan del Sur na may magnitude 3.0. Naitala ang pagyanig sa 6 kilometers Southeast sa bayan ng San Isidro, alas-4:26 nang umaga at may lalim na 16 kilometers

Kaugnay nito’y nakapagtala rin ng magnitude 3.8 na lindol sa lalawigan ng Isabela.

Naganap ang pagyanig sa 28 kilometers Southeast ng bayan ng Palanan ganap na ika-4:28 nang umaga.

Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig na may lalim na 16 kilometers.
Wala namang naitalang nasugatan o nawasak na ari-arian maging ng intensities at aftershocks.