Davao del Sur nasa state of calamity

Isinailalim sa state of calamity ang Davao del Sur sa gitna ng patuloy na nararamdamang matinding tag-init dulot ng El Niño, gayundin ang pagtaas sa bilang ng pinsala sa mga magsasaka at kanilang pananim.

Umabot na sa P212.6 milyon ang nasira sa agrikultura sa lalawigana at tinatayang 7,600 na magsasaka ang apektado. Kabilang sa mga naapektuhan ng dry spell ang Matanao, Bansalan, Hagonoy, Magsaysay at Kiblawan, ayon sa provincial agriculture office.

Inihahanda naman ng opisina ang tulong sa mga apektadong magsasaka.