Davao Occidental binulabog ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Davao Occidental nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol may 393 kilometro sa southeast ng Sarangani dakong alas-5:28 ng hapon, Pebrero 29.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 162 kilometro.

Wala namang inaasahang mga aftershock at pinsala sa lindol, ayon pa sa Phivolcs. (Issa Santiago)