Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Occidental kahapon ng hatinggabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology­ and Seismology (PHIVOLCS), alas-12:29 ng madaling-araw kahapon nang maramdaman ang paglindol na tectonic ang pinagmulan at nakasentro sa 52 kilometers.

Ang epicenter nito ay 166 kms southeast ng ba­yan ng Jose Abad Santos.

Pinaalalahanan naman ng PHIVOLCS ang publiko na maging alerto sa inaasahang aftershocks pero kinumpirma naman na walang namatay o nasugatan maging sa mga ari-arian ay wala rin napinsala.