Bahagyang niyanig ang lalawigan ng Davao Oriental nang maitala ang magnitude 3.2 na lindol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 95 kilometers northeast ng Baganga, bandang alas-12:18 madaling araw ng Lunes (May 25).
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 1 kilometer.
Wala namang naitalang nasugatan o napinsalang mga ari-arian. Wala ring inaasahang intensities at aftershocks.