KUNG natuwa kaming katsika ang Kapuso newbie na si Rob Moya, na­aliw rin kaming kausap si Dave Bornea.

Magkasama sina Rob at Dave sa Alyas ­Robin Hood 2 ni Dingdong Dantes.

Natawa kami sa hirit ng 22-anyos na si Dave na napansin siya sa ­unang ARH dahil naghubad siya.

May pa-topless kasi siya roon na tuwalya lang ang nakatakip sa harapan niya.

Handa sa hubaran ang binatang Cebuano. Mas maganda ang katawan niya ngayon at meron ­siyang pa-abs kaya lagi siyang ready sa shirtless scenes.

Keri niya ring maging underwear model.

Nang usisain ­namin kung may ‘ipagmama­laki’ ba siya, ang sey ni Dave, ayaw niyang magyabang, pero base sa feedback ng ex-girlfriends niya ay hina­hanap-hanap ng mga ito ang romansa niya.

Tatlo ang naging ser­yosong girlfriend niya, pero ang fling ay hindi niya mabilang.

May Spanish blood si Dave mula sa mother side. Ang tatay niya ay purong Pinoy.

Aliw kami sa dating member ng Kapuso boy group na One Up dahil lahat ng tanong namin ay game siyang sagutin kahit naughty.

Nang banggitin naming bet siya ng mga bading, ang sabi ni Dave ay nakakataba ng puso na nagugustuhan siya ng mga beki.

Marami na siyang natanggap na indecent propo­sals na meron nang nag-alok sa kanya ng kotse, pero hindi niya tinanggap.

Sey ng ­Kapuso newcomer, ayaw niyang ma-offend ang bading kaya sinasabi niya in a nice way na hindi siya open sa ganu’n dahil ­makukuha niya rin ‘yon sa ­sarili niya.

Wala pa raw ­siyang experience sa bading.

Type ni Dave ang Kapuso stars na sina Solenn ­Heussaff at Kim Domingo.