Pumirma na raw si free agent forward David Lee ng two-year deal sa San Antonio Spurs, base sa pahayag ng agent niyang si Mark Bartelstein sa The Vertical.

May ibang mas mala­laking deals ding ikinonsidera ni Lee, 33, bago nag-desisyon na tumawid sa Spurs at magkasya sa pagiging backup kina LaMarcus Aldridge at Pau Gasol.

Si Lee ang No. 30 overall pick ng New York Knicks noong 2005 at lumipat sa Golden State noong 2010. Kasama si Stephen Curry ay nag-rebuild ang franchise at importanteng piyesa si Lee sa NBA Finals victory ng Warriors kontra Cleveland noong 2015.

Sa 25 games suot ang Dallas Mavericks jersey bago natapos ang nakaraang regular season, nag-average si Lee ng 8.5 points at seven rebounds sa 17.3 minutes per game.

Mahusay pumasa si Lee at nakakapag-operate sa labas, umiiskor sa loob at sinasagupa ang mas malalaking players para sa rebounds.