David-Victoria 2 Milyon ang lulustayin sa  New Year’s Eve Party

Ronaline Avecilla
Isa ang New Year’s Eve sa maitutu­ring na magarbong gabi sa bawat isa. Hangga’t maaari ay maging siksik, lig­lig at umaapaw ang pagsalubong ng Media Noche.
Pero talbog ang media noche natin sa pagsalubong ng New Year’s Eve ng couple na sina David at Victoria Beckham. Tumataginting lang naman na 30,000 pound o higit 2 milyong piso ang gagas­tusin nila para sa party.
May gusto kasing patunayan ang mag-asawa matapos kumalat na divorce na sila ngayong taon.
Ayon sa source ng Dailymail, “David was keen to put on a united front, and show the world they’re happy after a tough few months.”
Sanay na umano sila na mabato ng kung ano-anong isyu. Pero malaki ang naging epekto nito sa mga anak nila.
Ani Victoria sa interview sa kanila ng Vogue nitong September, “We both realise that we are stronger together than we are as individuals. Would either of us be in the position that we are in now had we not met and been together all those years ago? It’s all about the family unit. We are much stronger – the six of us – than we would be if we were individuals. We respect that family bond and that is key.”
Mahigit 21 taon na ang relasyon ng mag-asawa at mayroon na silang apat na anak.
Mahigit 20 katao ang imbitado sa nasabing party. Umabot umano sa 2 milyon ang gagastusin dahil damit pa lang umano nila ng kaniyang 7-taong gulang na anak ay aabot na sa mahigit P300,000.