ANG mga lalaking The WHO, nakakaloka at nagpaparamdam sa showbizlandia.
Exhibit A si David Licauco na one of those ibon mang malayang lumipad sa Mulawin vs Ravena.
Ang claim to fame nitong si Licauco, siya ang all important first runner-up sa Mr. Chinatown 2014.
Dahil gifted with looks of an Asian heartthrob, here, there and everywhere ang kanyang appearances sa shows sa ka-Dos.
Hanggang makasama siya, again, as one of those hombrelicious sa movie ni Vice Ganda.
May dramarama ang David na kinagulat niya ang linking at claim to infamy niya.
At ngayong ka-Siyete na siya, does it follow na tapos na ang use me in a sentence phase nila ni Jose Marie?
Ang kuda ni Licauco sa isang portal panayam, “It’s not true na iniiwasan ko siya. Siguro ‘yung pagiging friends namin in the past, binigyan lang ng malisya ng ibang tao.
“Pero matagal na rin kaming hindi nagkakasama ni Vice. May communication pa rin naman kami.
“Minsan, nagpapadala siya sa akin ng message sa Instagram. Nangungumusta lang siya.
“Minsan, he’s inviting me sa ganitong event. Kaso, hindi na ako palapunta sa mga events, unless it’s work. Naiintindihan naman ni Vice ‘yun.”
So ano ang mga operative words dito?
“Nagsasama,” pwede ba nating I therefore conclude na naging malapit na malapit sila kaya hindi sila, ako at ikaw kundi nagsasama?
Constant companion? Consort?
At ‘yung isa pa… “naiintindihan,” how magnanimous of Vice to understand na kahit hindi na sila as close as before, kaibigan pa rin ang turingan nila.
Hindi kakilala. Hindi kakuyangyangan. Kundi kaibigan. Kaibigan lang pala.
Naku, David! Ngayong lilipad na ang mga pakpak mo bilang Malik, nawa’y maging matagumpay ka.
***
The other The WHO, si Jose Sarasola na ang daming mileage sa kasalukuyan… Kasi, siya ang kasintahan ngayon ni the great Maria Ozawa.

Sabi ni Jose na ang claim to infamy dati ay isang alleged jack off video, nasa honeymoon stage pa ang kanilang relasyon.
Pahayag niya sa isang panayam, “Nag-e-enjoy pa kami, having fun, travelling, eating o, movies, getting to know pa.”
He is just enjoying the moment at kung ano ang meron sila.
Para sa kanya si Ozawa ay “really just nice girl, down to earth. If you really get to meet Maria, sit down, have a talk with her, have a drink with her, dinner with her, you’ll realize na, ‘Ang bait ‘tong tao na ‘to. Totoo siya, di siya plastic.’
“It’s just sad lang how people have that impression about her dahil sa crazy past niya.”
Walang dudang a man in love si Sarasola, huh?!
Nakakatuwa na may lalaking tulad ni Jose na keribels to rise above the past of Ozawa and see and love her for what she truly is.
Nakaka-inspire ang ganitong mga pagmamahalan na walang judgment.
Sakaling mabuntis ni Jose si Maria… ano kaya ang ipapangalan nila sa kanilang anak?