Kinuha ng Los Angeles Lakers si DeMarcus Cousins na pam-back up kay JaVale McGee sa center para ‘di masagad si Anthony Davis na mas gustong lumaro sa power forward kaysa sa gitna.
Dating teammates sa New Orleans sina Cousins at Davis.
“I like playing the 4,” sabi ni Davis sa nakatawang si coach Frank Vogel. “I’m not even going to sugarcoat it. I don’t like playing the 5, but if it comes down to it, Coach, I’ll play the 5.”
Maraming binitawan ang Lakers – mula sa maangas na sina Lonzo Ball at Brandon Ingram hanggang first-round picks – para makuha si Davis sa New Orleans Pelicans.
“It’s going to be fun,” wika ni Davis sa new-look Lakers.
Matagal na raw niyang pinangarap na makapaglaro sa isang team kasama si LeBron James.
“The things he can do on the floor are pretty amazing,” dagdag ni Davis. “You see it on TV and when you’re a fan of the game you watch it a lot, and I never really had a chance to experience playing alongside him.”
Sa kasaysayan ng NBA, ‘di na mabilang ang tandem na nag-click at nagresulta sa titulo.
Shaquille O’Neal at Kobe Bryant. Tim Duncan at Tony Parker. James at Dwyane Wade. James at Kyrie Irving. Kevin Durant at Stepghen Curry.
Abangan ang mangyayari sa tambalang James at Davis. (VE)