Nakaamba na sa Staples Center ang neck-to-neck finish nang tapyasin ng Miami Heat sa anim ang abante ng Los Angeles Lakers 9 minutes pa sa laro.
Pero nanlamig bigla ang Heat, sablay ang sumunod na 13 tira at anim na puntos na lang ang iniskor mula roon.
Nasakal sila sa depensa ng Lakers, maliban sa offensive weapon ng LA na sina LeBron James at Anthony Davis.
“One thing about it – if your offense is behind your defense, you’re a really, really good team,” ani James. “And I’m OK with that right now.”
Nagsumite si Davis ng 26 points at 9 rebounds, iginuhit ni James ang 12 sa kanyang 25 points sa fourth quarter at nilaktawan ng Lakers ang Heat 95-80 Biyernes nang gabi.
Dalawang 3-pointers ang ibinaon ni James sa closing minutes para selyuhan ang pampitong sunod na panalo matapos masilat sa season-opener kontra Clippers.
Maalat na 4 of 19 mula sa field sa fourth quarter ang Miami, naka-isang field goal lang at 6 points sa final 8:54. Diniyeta ng Lakers ang Heat sa 6 for 35 shooting sa 3-pointers, outrebounded pa ang dayo 48-37. (VE)