Sa ikalawang pagkakataon, pinamunuan ni Anthony Davis ang opensa ng Los Angeles Lakers upang talunin ang dating koponang New Orleans Pelicans, 123-113, kahapon sa 2019-2020 NBA elimination.

Pasiklab si Davis ng 46 points at 13 rebounds, una na siyang umiskor ng 41 points sa unang panalo nila kontra New Orleans noong Nobyembre 27.

Nagsalpak si Davis ng 15 mula sa pinakawalang 21 tira at ipinasok lahat ng 13 free throw para tulu­ngan ang Lakers sa ikaapat na sunod na panalo tungo sa No. 1 spot sa Western Conference sa ikinamadang 28-7 panalo-talo kartada.

“Even though we won the game [in New Orleans], I didn’t like playing that way where they were just forcing the ball,” kwento ni Davis pagkatapos ng bakbakan.

“I knew the situation, obviously, and my teammates wanted me to play well against my former team the first time.”

Nagdagdag si Danny Green ng 25 markers sa likod ng anim na tres sa 10 pukol, habang may tahimik na 17 points, 15 assists at eight rebounds si LeBron James para sa Los Angeles.