Tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa Davao del Sur Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang sentro ng pagyanig alas-7:18, sa 25 kilometro ng hilagang kanluran ng Digos City ng lalawigan.
May lalim na 28 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Intensity IV ang naitala sa Malungon Sarangani, gayundin sa Koronadal City at Tupi sa South Cotabato