Dawn ididirek ni Michael V

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Magbabagong bihis at ang sleeping film giant, may bagong pa­ngalan at talagang magpaparamdam na sila ay so freaking back sa film production, huh! Ang GMA Films, ngayon ay GMA Pictures at not one, but two movies ang kanilang gagawin para ipaalam sa mga Kapuso they are hitting it big once more.

Ang diva that you love, dahil nga fan niya ako, sobrang happy na si Dawn Zulueta ang bidang babae sa “Family History.”

Base sa mga chikang natanggap mo mula sa kanilang story confe­rence kamakailan, ang wittiest comedian this side of Hollywood, si Michael V. ang director nito.

Kasama rin sa pelikula sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Paolo Contis, Ina Feleo, Kakai Bautista, Nikki Co, Mikoy Morales ang Philippine theater’s first man, si Nonie Buencamino.

For Zulueta, parang comeback of sorts niya sa Kamuning station ang proyektong ito kasi nga, if my memory serves me right, parang 13 taon na ang nakalipas since her last Kapuso project.

Dahil kasali siya sa “Meant to Beh,” kung saan naging leading lady siya ni Bossing Vic Sotto, naka-apir siya sa ilang GMA shows, particularly sa “Eat Bulaga.”

Hindi kaya dahil si La Zulueta ang may pasimuno sa “GMA Supershow” lady hosts reunion, napagtanto nila ang aktres, forever na may soft spot para sa Kapuso kaya ngayong bubuhayin muli ang kanilang film production, alam nilang perfect choice at fit ang aktres?

Interesting to know how funny and irreverent itong pelikula knowing the fact na ang henyong si Michael V ang magdidirek. Sa mga sumusu­baybay sa longest running gag show na “Bubble Gang,” alam nating ang creative juices at stamp ni Michael eh all over the show. Marami pa rin ang nanonood sa palabas at hindi pwedeng itanggi na it continues to be worth watching and relevant.

Ang isa pa nilang pelikulang balak gawin, kung saan slightly umarko ang aking bushy brows at may pagdadabog ang bangs ko ay ang “Kambal Karnabal.”

Super starlet infested ang pelikulang ito dahil ang cast, sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Jo Berry, Divine Tetay, Super Tekla, and Kiray Celis. Pawang sikat na sikat, huh!

Nawa’y ang “Family History,” pati na rin ang “Kambal Karnabal,” ay hindi ningas cogon lang. Na ang GMA Pictures, maliban sa mga pelikulang komersyal, may mga award winning movie na gagawing muli. Hindi pa nga nalulupig ang pag-asa para sa mga pelikulang Pilipino!
***

Walang bago Laplapan nina Andre-Lou sa ‘PBB’ nagawa na nina Sam-Chix

“Pag may alak, may balak,” ang kasabihang ito, naging totoo sa “PBB Otso.” Ang naglalandiang sina Lou Yanong at Andre Brouilette, dahil nga intoxicated, naging mainit at mapangahas, at nauwi sa umaatikabong laplapan ang nangyari sa dalawa.

Ano kaniyo, the WHO times two sina Lou at Andre? Ang savage niyo naman sa kanila, my dear Abante TONITE rea­ders. Hahahaha!

Sa true lang, alam naman nating maaaring scripted ang mga kaganapan sa loob ng bahay at consenting adults naman sila kaya hindi ko maunawaan ang mga kuda at hanash mula sa mga nakakainis na nagmamalinis eh marurumi rin naman.

Kung hindi niyo bet ang mga kaganapan, pwede niyo namang i-off ang inyong mga telebis­yon o ilipat sa ibang prog­rama.

“A kiss is just a kiss,” hindi lahat ng mga nangyayari sa telebis­yon, gagayahin ng mga impressionable youth, Juice colored, easy access na sa electric youth at for free at that pa ang mga adulth flick kaya tama na ang mga dramang all of a sudden, guardians kayo of morality, huh!

Sa ibang bansa kung saan may Big Brother shows rin, ‘di hamak na mas balahura ang mga kaganapan. Saka, hindi naman ito ang first time na may nangyaring ganyan sa “PBB,” maski itanong niyo pa kina Sam Milby at Chix Alcala na laplapan kete laplapan sa swimming pool, hindi ba naman? Ano ito, may collective amnesia lang ang mga malilinis na pwedeng ipang-alay sa bulkan para tumigil ang pagmamarkulyo nito?