Dawn pinatanda ng quarantine

NI: ARCHIE LIAO

Isa si Dawn Zulueta sa nagtataglay ng pinakamagandang mukha sa showbiz.

Sa katunayan, sa kabila ng kanyang edad na 51 at pagkakaroon ng dalawang anak sa prominenteng politician at businessman na si Anton Lagdameo, marami ang bumibilib sa hitsura ng actress.

Aminado naman kasi siyang sa mundong kinagagalawan, hindi maiaalis ang pagiging banidosa .Naniniwala siya na bukod sa talento ay puhunan din niya ang kanyang alindog.

Pero sa nagaganap na enhanced community quarantine, marami siyang natutunan.

Mas importante sa kanyang maging relevant sa kasalukuyang panahon lalo pa’t wala siyang aasahang mag-ayos sa panahong sarado pa ang mga beauty salon at maging fitness centers under MECQ.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita niya sa kanyang IG account ang kanyang puting buhok na keber sa magiging reaksyon ng mga netizen.

Aniya:“Almost 3 inches of my silver hair is visible now. I’m challenging myself not to do hair color while under quarantine. Let’s see how long I can bear it.”

Marami naman ang humanga sa magaling na aktres na sa kabila ng pagkakaroon ng puting buhok ay aninag pa rin ang ganda.

Katunayan, inspirasyon daw ang actress sa mga tao on how to age gracefully.