Dayan puspusang hinahanap

Inatasan na ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa ang director ng Region 1 Police Office para mahanap at maaresto na si Ronnie Dayan, ang dating driver-security aide at lover ni Senator Leila de Lima.

“‘Yung RD (regional director) ng PRO 1 si Chief Supt. Gregorio Pimentel binigyan ko ng instruction to help locate him,” paha­yag ni Dela Rosa sa isang press conference.

“Pinapatulungan ko sa Regional Director ng PRO 1. Hinahanap na siya,” dagdag pa ng chief PNP.

Si Dayan ay inaakusahang tumatanggap ng drug money na ginamit umanong campaign fund ni De Lima, ang dating Department of Justice secretary.

Una nang inamin na rin ni De Lima na may romantic relationship ito kay Dayan dahil umano na­ging malapit sila habang nasa kanyang serbisyo.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matagpuan si Dayan kahit sinalakay na ng pulisya ang kanyang bahay sa Urbiztondo, Pangasinan.